2019年7月23日(火曜日)午前9:00~午後8:00まで営業いたします

Gabay sa mga tinatanggap na gamit

Mga tinatanggap na gamit

Nakasaad sa ibaba ang mga tinatanggap na gamit para sa sanglaan o bilihan. Mangyaring tingnan ang ilan sa halimbawa ng mga gamit.

■ Branded na relo

Rolex, Cartier, Omega, Chanel, Bulgari, IWC, Zenith, Tag Heuer, Hermes, Gucci, Dior, Grand Seiko, at iba pang brand

  • Mangyaring dalhin ang kasamang kahon, guarantee card, extrang coma ng bracelet, at iba pa na kasama ng gamit noong binili ito. (Ok lang din dalhin ang gamit mismo)
  • Maaring bilhin ang sirang branded na gamit. Mangyaring sumangguni sa amin.
  • Hindi namin tinatanggap ang mga modified na gamit (gaya ng after dia at after parts).
  • Tinatanggap namin ang sanglaan o bilihan ng nasabing gamit.

■ Gino at Platino

Ginto (K24 hanggang K50), Platino (Pt1000 hanggang Pt100), Ingot, Coin, Oval na Gintong Coin (Koban), Kuwintas Singsing at Accessory, Gold cup at Figurine

  • Ang ginto at platino ay bibilhin sa nakasaad na presyo sa kasalukuyang araw.
  • Tinatanggap namin ang mga alahas na may naka-engrave na initials at petsa, nagbago na ang hugis, sira, or nawala ang kapares.
  • Para sa mga gamit na hindi malinaw ang pagkapuro ng gamit, susuriin naming ito gamit ang X-ray at timbang nito.
  • Hindi namin tinatanggap ang nasa pulbos na form.
  • Tinatanggap namin ang sanglaan o bilihan ng nasabing gamit.

■ Walang brand na alahas (general, high grade na alahas)

Halo-halong natural stone, diamante, sapphire, esmeralda, ruby, lahat ng uri ng opal, alahas

  • Mangyaring dalhin ang sertipiko ng alahas kung mayroon ito.
  • Depende sa uri ng precious stone, maaaring hindi ito tanggapin kung walang kasamang sertipiko o katibayan.
  • Maaring hindi kayang suriin ang sertipiko na hindi gawa ng Central Gem Laboratory, GIA, o AGT.
  • Hindi namin tinatanggap ang peke, synthetic, at filling process na bato.
  • Tinatanggap namin ang sanglaan o bilihan ng nasabing gamit.

■ Branded na bag, branded na alahas at iba pa

Hermes, Louis Vuitton, Chanel, Gucci, Cartier, Tiffany, Bulgari, Prada, Dior, Coach, Fendi, Celine, Saint Lauren, Chopard, at iba pang brand

  • Mangyaring dalhin ang kasamang kahon, cloth, guarantee card (warranty card), at iba pa na kasama ng gamit noong binili ito. (Ok lang din dalhin ang gamit mismo)
  • Tinatanggap namin ang sanglaan o bilihan ng nasabing gamit.

■ Elektrikal na gamit

Computer, Tablet, Flash Memory, Video Camera, Blue Ray Recorder at iba pa

  • Mangyaring dalhin ang accessory na kasama ng gamit noong binili ito. *Maaring hindi tanggapin kung hindi kasama ang accessory nito.
  • Depende sa gamit, bilihan lang ang transaksyon o kaya bagong gamit lang ang tatanggapin. Mangyaring sumangguni sa amin hinggil sa detalye.

■ Digital Camera

Digital SLR Camera, Compact Camera, Mirrorless Camera, Lens, at ibapa
Canon, Nikon, Sony, Panasonic, Olympus, Pentax at iba pa

  • Mangyaring dalhin ang accessory na kasama ng gamit noong binili ito. *Maaring hindi tanggapin kung hindi kasama ang accessory nito.
  • Hindi namin tinatanggap ang film camera.
  • Depende sa gamit, bilihan lang ang transaksyon o kaya bagong gamit lang ang tatanggapin. Mangyaring sumangguni sa amin hinggil sa detalye.

■ Kimono at Obi

Kimono at Obi at iba pa

Hindi namin tinatanggap ang mga sumusunod:

  • Mga may mantsa o pagbabago ng kulay, marumi o sira at iba pa, at pangit ang kondisyon
  • Maliit ang sukat
  • Mangyaring sumangguni sa amin hinggil sa iba pang detalye
  • Bagong gamit na binili sa loob ng 5 taon lamang ang tatanggapin.

■ Fur

Coat o Balabal na gawa sa Mink, Fox at iba pa

Hindi namin tinatanggap ang mga sumusunod:

  • Mga may mantsa o pagbabago ng kulay, marumi o sira at iba pa, at pangit ang kondisyon
  • Maliit ang sukat
  • Mangyaring sumangguni sa amin hinggil sa iba pang detalye
  • Tinatanggap namin ang sanglaan o bilihan ng nasabing gamit.

■ Instrumento sa musika

Electric Guitar, Base, Trumpeta, Saksopon, Plauta at iba pa

  • Para sa lumang gamit, hindi namin tinatanggap depende sa kondisyon ng pagkagamit.
  • Depende sa gamit, bilihan lang ang transaksyon o kaya bagong gamit lang ang tatanggapin. Mangyaring sumangguni sa amin hinggil sa detalye.

■ Gift Certificate

Iba’t ibang uri ng gift certificate, Travel voucher, Beer Coupon, Prepaid card at iba pa

  • Tinatanggap namin mula sa 1 piraso
  • Hindi namin tinatanggap kapag may tupi, punit, o dumi.
  • Maaring hindi tanggapin kapag luma ang disensyo o komersyal ads and disenyo. Maaring bilhin sa mas mababang halaga. Mangyaring sumangguni sa amin hinggil sa detalye.
  • Tinatanggap namin ang sanglaan o bilihan ng nasabing gamit.

■ Bills at Coins

Mga lumang disensyo ng bills, lumang disenyo coins, commemorative na coins at iba pa

  • Hindi kami dealer ng lumang pera, kaya't hindi namin kayang ibigay ang premium na halaga ng gamit.
  • Hindi namin tinatanggap ang mga gamit na inisyu sa panahon bago ng Showa, at mga gamit na hindi yen ang unit.
  • Tinatanggap namin ang sanglaan o bilihan ng nasabing gamit.

Mga hindi tinatanggap na gamit

Nakasaad sa ibaba ang mga gamit na hindi tinatanggap sa sanglaan at bilihan. Mangyaring tingnan ang ilan sa halimbawa ng mga gamit bago pumunta sa amin.

  • Kasangkapan sa bahay
  • Sining
  • Antigo
  • Sword
  • Cellphone
  • Alcohol
  • Mga kagamitan sa pagsulat
  • CD/DVD
  • Bisikleta
  • Kotse
  • Buhay na gamit
  • Pagkain
  • Laruan
  • Gamit pang-isports
  • Mga pekeng gamit

Mangyaring bigyan pansin ang sumusunod na detalye

  • Maaring tanggapin ang mga bagay na hindi nakasaad sa itaas, mangyaring sumangguni sa amin para sa inyong mga katanungan.
  • Hindi namin tatangapin ang gamit na hindi saklaw ng pamantayan ng tindahan.
  • Hindi kami tumatanggap ng delivery o nag-home visit para sa bilihan.
  • Para sa mga bagong kustomer, kailangan kumpirmahin ang ID.
  • Ang mga alintuntunin na nakasaad sa itaas ay maaring magbago ng walang abiso.
↑