Ang sanglaan ay kontrata sa kustomer kung saan ang dalang gamit ay magiging kolateral para sa perang uutangin.
Kapag sa banko, mahigpit ang pagsusuri at kailangan magsumite ng mag kailangan na dokyumento, subalit hindi ito kailangan sa sanglaan.
Maaari niyong kunin ang kolateral na gamit sa loob ng panahon na nakasaad sa kontrata. Sa karagdagan, pwedeng mag-extension ng deadline kapag hindi niyo kayang bayaran sa loob ng panahon ng kontrata. Mangyaring bisitahin ang sanglaan sa panahon na "kailangan ng pera agad-agad" o kaya't "kailangan ng pera subalit walang mapagkonsultahan." Siguradong makakatulong kami sa inyo.
Gabay sa sanglaan
Introduksyon sa mga hakbang para sa pawn contract
■ Pagsusuri at appraisal ng gamit
Susuriin ang dalang gamit ng kustomer kung kabilang ito sa listahan ng tinatanggap na gamit, at bibigyan ito ng appraisal. Ang halagang maaring ipahiram ay base sa kasalukuyang exchange rate at market price, ito ay kinakalkula base sa presyo na nakalista sa ilan sa mga auction site sa Japan. Hindi kailangan hiramin ang buong halaga na pwedeng ipahiram, hangga't nasa loob ng halaga na pwedeng ipahiram ang hihiramin, huwag mag-alala na magkaroon ng malaking utang.
- Maaring kanselahin ang transaksyon kapag hindi umabot sa nais na halaga ng kustomer ang halaga ng appraisal.
- Mangyaring maging panatag dahil walang bayad ang pagsusuri.
■ Mangyaring ipakita ang ID kapag nagkasundo sa pawn contract
Kapag sumang-ayon kayo sa presyo, mangyaring ipakita ang inyong ID upang kumpirmahin ang detalye ninyo.
- Mangyaring ipakita ang inyong ID mula sa pampublikong institusyon. (Lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, residence card at iba pa)
- Ang My Number ay hindi tinatanggap bilang ID.
- Hindi tatanggapin ang expired na sertipiko.
- Ang maaring magsangla ay mga adult na hindi bababa sa 18 taon gulang (hindi papayagan ang high school na mag-aaral), at mga adult na nasa wastong pag-iisip o kaya walang karamdaman gaya ng mental incapacity o quasi incompetent at iba pa.
- Ayon sa Gunma Prefecture Organized Crime Exclusion Ordinance, hindi maaaring makipagtransaksyon sa mga miyembro nito.
- Sa mga kasalukuyang kustomer, hindi na kailangan ipakita ang ID sa ikalawang beses na transaksyon. (Subalit kung maraming taon na ang lumipas mula sa huling transaksyon, mangyaring ipakita muli ang ID para kumpirmahin ang pangalan at tirahan)
■ Bibigyan kayo ng papel de agencia (hold receipt) kapalit ng gamit na sinangla ninyo.
Ibibigay sa inyo ang papel de agencia (hold receipt) kapalit ng gamit na sinangla at pera na uutangin. Ang papel de agencia ay kailangan sa pagtubos ng gamit, o kaya sa pag-extension ng deadline ng kontrata. Nakasulat sa papel de agencia ang mahalagang impormasyon gaya ng pangalan ng kustomer at halaga ng utang, kaya't ingatan mabuti ang papel de agencia upang hindi ito mawala.
- Ang papel de agencia ay hindi pwedeng ilathala muli. Kapag nawala niyo ang papel de agencia, mangyaring makipag-ugnay sa amin agad upang maiwasan ang problema.
- Hindi namin kayo kokontakin, kaya't huwag niyong kalimutan ang deadline ng sangla.
- Kapag lumagpas na sa deadline, ang pag-aari ng gamit ay lilipat mula sa kustomer patungo sa tindahan, at dito magtatapos ang kontrata. Ang gamit ay hindi na maaaring bumalik sa inyo.
Mangyaring bigyan pansin ang sumusunod na detalye
- Base sa pamantayan ng tinatanggap na gamit sa aming pawnshop, maaaring hindi tanggapin ang inyong gamit. Para sa karagdagan detalye, mangyaring tingnan ang listahan ng tinatanggap na gamit.
- Ang transaksyon ng sanglaan ay gaganapin sa loob ng tindahan lamang.
Introduksyon pagkatapos ng pawn contract
■ Tungkol sa deadline ng kontrata
- Ang panahon ng pagsangla ng gamit ay 3 buwan. Maaring bayaran ng buo ang hiniram na pera at pawn fee sa loob ng nasabing panahon, o kaya pawn fee lang ang bayaran at hindi na kukunan ng extension ang deadline, kapag lumagpas na sa nasabing panahon, ang nakasangla na gamit ay masusubasta.
- Sa loob ng nasabing panahon ng sangla, maaring iuwi ang inyong gamit. *Maliban kapag sarado ang tindahan at iba pa。
- Sa anumang dahilan at nais niyong pahabain ang deadline ng kontrata, mangyaring bayaran lang ang pawn fee at maaring pahabain ang deadline.
- Kapag ang deadline ay natapat sa araw na sarado ang pawnshop, ito ay automatic na ma-extend sa susunod na araw na bukas ang pawnshop.
■ Tungkol sa pawn fee (bayad para sa pagtago ng sangla)
- Ang 1 buwan pawn fee ay binibilang mula sa araw ng kontrata hanggang sa parehong araw ng susunod na buwan. Kapag lumagpas ng 1 araw, 2 buwan na ang bilang ng pawn fee. Kapag ang araw ay natapat sa araw na sarado ang pawnshop, ang bilang ng araw ay ililipat sa susunod na araw na bukas ang pawnshop.
- Ang pawn fee ay hindi kinakalkula base sa bilang ng araw na nagdaan.
- Ayon sa pawnbroker business act, ang pawn fee ng aming pawnshop ay nasa 3%-7% kada buwan.
- Ang pawn fee ng transaksyon ay naayon sa article 36 ng pawnbroker business act.
■ Tungkol sa extension o renew ng deadline ng kontrata
- Maaring pahabain ang deadline ng kontrata kapag binayaran ang pawn fee bago dumating ang deadline ng kontrata.
- Bilang patakaran, kailangan bayaran ang pawn fee para sa nagdaan na 3 buwan, subalit kung nais ng kustomer maari din 1 buwan lang ang bayaran.
- Hindi namin kayo kokontakin hinggil sa deadline ng kontrata, kaya't mangyaring huwag kalimutan ito.
- Kapag lumagpas na sa deadline ng kontrata, at ilang araw pa lang ang lumipas, may posibilidad na nasa amin pa ang inyong gamit, kaya't mangyaring sumangguni sa amin.
Ilustrasyon tungkol sa pagsangla hanggang sa pagbayad ng utang
Malinaw na ipinapahiwatig sa ilustrasyon sa ibaba ang proseso ng pagsangla hanggang sa pagbayad ng utang. Mangyaring basahin ito kung nais niyong magsangla.
■ Ang unang panahon ng pagsangla ay 3 buwan
Kung hindi kayang bayaran ang utang sa unang beses na deadline, at nais pahabain ang deadline ng kontrata, mangyaring magpunta sa pawnshop bago ang ika-10 ng Abril at bayaran ang ①pawn fee para sa 1 buwan. Ang panibagong deadline ay magiging ika-10 ng Mayo.
■ ■Bayaran ang pawn fee para sa panahong (①)
■ Panibagong deadline ng kontrata
Kung hindi kayang bayaran ang utang sa ikalawang beses na deadline, at nais pahabain ang deadline ng kontrata, mangyaring magpunta sa pawnshop bago ang ika-10 ng Mayo at bayaran ang ②at③pawn fee para sa 2 buwan. Ang panibagong deadline ay magiging ika-10 ng Hulyo.
■ ■Bayaran ang pawn fee para sa panahong (②at③)
■ Panibagong deadline ng kontrata
Kung mababayaran ang buong halaga sa ika-10 ng Hulyo, mangyaring pumunta sa pawnshop upang bayaran ang buong halaga ng utang kasama na ang natitirang balanse sa pawn fee. Pagkatapos bayaran lahat, maaring iuwi ang isinanglang gamit. Ang natitirang ④,⑤at⑥ pawn fee ay para sa natitirang balanse na 3 buwan.